
Patay ang isang babaeng rider matapos mahagip at magulungan ng ten-wheeler truck sa Maynila.
Partikular sa southbound lane ng Roxas Blvd. kung saan kaninang madaling araw nangyari ang insidente pero kaninang pasado alas-9:00 ng umaga lamang tinanggal ang biktima.
Wala pang pagkakakilanlan ang nasawi habang dinala sa malapit na ospital ang kasama nitong lalaki.
Patungong Cavite ang truck na may kargang buhangin at depensa ng hindi na pinangalan driver, mabilis at sinubukan sumingit ng motorsiklo ng biktima.
Sumagi sa gilid ang biktima bago nagulungan ng truck na agad nitong ikinasawi.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang driver ng truck na may plate number na NAR-1414 habang bumagal ang daloy ng trapiko mula UN patungong Quirino Avenue ng dahil sa insidente.