Babaeng suicide bomber sa Indonesia, hinatulan ng halos 8 taong pagkakakulong

Indonesia – Hinatulan na ng pito’t kalahating taong pagkakakulong ang isang babaeng suicide bomber sa Indonesia.

Si Dian Yulia Novi na pinaniniwalaang kasapi ng ISIS ay naaresto noong isang taon kasama ang asawa niyang si Muhamad Nur Solikin dahil sa tangkang pambobomba sa Jakarta Palace.

Una nang hiniling ng prosekyutor na patawan siya ng sampung taong pagkakakulong pero ibinababa ito sa pito’t kalahating taon dahil sa pag-amin niya sa insidente.


Samantala, umabot na sa 96 ang patay sa engkwentro sa pagitan ng gobyerno at muslim rohingya ethnic sa Myanmar.

Nagsimula ang engkwentro matapos tangkaing tumakas ng mga Rohingya mula Rakhine papuntang Bangladesh.

Facebook Comments