Babaeng tumulak sa isang 74-anyos sa bus, arestado matapos mamatay ang biktima

600
Screenshot from the video released by Las Vegas Metropolitan Police Department

Nahaharap sa kasong murder ang isang babae, matapos mamatay makalipas ang dalawang buwan, ang 74-anyos na itinulak nito sa bus dahil sa natamong injury.

Nitong Martes naglabas ang pulisya ng Las Vegas ng video na nagpapakita ng insidente kasabay ng panawagan sa mga nakasaksi sa nangyari, para sa imbestigasyon.


Ayon sa nakalap na pahayag ng Las Vegas Metropolitan Police Department Homicide Section sa mga saksi, pinagsisigawan at pinagmumura raw ng suspek, na kinilalang si Cadesha Bishop, 25, ang mga tao sa loob ng bus, kasama ang biktima.

Dahil dito, sinabihan umano ng biktima si Bishop na “be nice”, dahilan para itulak nito ang matanda noong papalabas na sa bus.

Tinatayang eight feet mula sa pinto ng bus ang binagsakan, una mukha, ng matanda na kinilalang si Serge Fournier.

Matapos ang halos dalawang buwan namatay ito mula sa komplikasyon sa natamong injury.

Facebook Comments

From Advertisers