BABAENG WANTED SA DALAWANG KASO NG ESTAFA, ARESTADO SA TAHANAN NITO SA DAGUPAN CITY

Inaresto ang isang 48-anyos na babae na nahaharap sa dalawang kaso ng estafa noong Lunes ng gabi, Marso 2, sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Lucao, Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ang akusado bilang residente ng lungsod na inaresto ng mga tauhan ng Police Station 4 bilang lead unit, katuwang ang iba pang yunit ng Dagupan City Police Office.

Batay sa ulat, ipinatupad ang pag-aresto sa bisa ng magkahiwalay na warrant of arrest.

Ang unang warrant ay para sa kasong Estafa na may itinakdang piyansang ₱18,000 at ang ikalawang warrant naman ay para sa kasong Estafa Through Falsification of Public Document na may kaukulang piyansang ₱36,000.

Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya kung saan ito kasalukuyang nakapiit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments