
Nasakote ng mga operatiba ng Caloocan City Police ang isang 46-anyos na babae sa sariling bahay nito sa Barangay 144, Bagong Barrio, Lungsod ng Caloocan.
Itinuturing ng mga awtoridad na Most Wanted Person ang akusado para sa pamemeke ng mga dokumento.
Nadakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa apat na bilang ng Use of Falsified Documents na inisyu ng Malabon City Metropolitan Trial Court Branch 120 na may P144,000 na inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng pulisya ang akusado para sumailalim sa dokumentasyon at tamang disposiyon.
Facebook Comments









