Manila, Philippines – Hindi pagaaksayahan ng panahon ng Palasyo ng Malacañang ang lumulutang na usapin ngayon na pagbago sa huling bahagi ng lupang hinirang o ang pambansang awit ng Pilipinas.
Isinusulong kasi ni Senate President tito Sotto ang pagsasabatas ng pagbago sa huling bahagi ng lyrics ng lupang hinirang o “ang mamatay ng dahil sayo”.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bahala na ang Kongreso sa naturang usapin.
Paliwanag nito, mas maraming problemang dapat lutasin ang Pamahalaan kaya bahala na ang kongreso na gawin kung ano ang kanilang mga naiisip na gawin.
Pero sa kabila naman ng pagsusulong ni Sotto ng panukala ay hindi naman sangayon ang ilang mamamayan dito dahil ang Lyrics anila ng pambansang awit ay kumakatawan sa sakripisyo ng ating mga ninuno noong panahon ng kastila at ito ay bahagi na ng ating kasaysayan.
Pero umapabor naman ang ilan sa pagiging maluwag ng batas sa pagbabago kung paano kinakanta ang lupang hinirang nang hindi binabago ang lyrics nito.