Isang Lalaki, Arestado sa Motornapping!

45

San Mateo, Isabela- Nahaharap sa kasong Motornapping ang isang lalaki matapos tumangay ng motorsiklo dakong alas singko ng umaga ngayong araw, Marso 14, 2018 sa Brgy. Centro Proper, San Mateo, Isabela.

 

 

Ang suspek ay kinilalang si Reynaldo Aguilar, 45 anyos, walang asawa’t trabaho at residente ng Brgy. Old Centro 1, San Mateo, Isabela.

 

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP San Mateo, Tulog na umano ang may ari ng motorsiklong Mitsukoshi na si Johnny Balbin nang isagawa ni Aguilar ang pagtangay sa kanyang motorsiklo nang malaman ni Balbin kinaumagahan na wala na ang kanyang motorsiklo kaya’t agad na nagsumbong sa tanggapan ng pulisya.

 

 

Sa agarang pagtugon ng PNP San Mateo ay nadakip si Aguilar sa naturang barangay at matagumpay namang narekober ang motorsiklo ni Balbin mula sa layong 200 meters mula sa kanyang bahay.

 

 

Hawak na ngayon ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong kakaharapin nito.

 

 

Tags: Richard Gatan, San Mateo PNP, DWKD985Cauayan, RMN Cauayan, San Mateo, Isabela, Luzon.

Facebook Comments