Manila, Philippines – Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para magbabakasyon sa iba’t-ibang lugar para salubungin ang Semana Santa.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal – mas mararamdaman pa ang buhos ng mga pasahero ngayong Mahal na Araw.
Inaasahan aniyang papalo sa halos dalawang milyong pasahero ang dadagsa sa naia kaya puspusan na ang MIAA sa isinasagawang ‘Oplan: Biyaheng Ayos.’
Naglaan na rin ang MIAA ng passenger’s assistance desk para magbigay ng impormasyon sa mga pasaherong may katanungan.
Sisikapin pa ng miaa na pagagandahin pa at aayusin ang main gate ng Pilipinas sa mundo.
Facebook Comments