BABALA | DSWD, nagbabala sa pagsulpot ng fake accounts ng ahensya

Manila, Philippines – Nababahala ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa nagsulputang mga pekeng facebook account na may pangalan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, ang paglaganap ng mga accounts na ito ay maaaring magamit para malinlang ang publiko lalo na sa pangangalap ng donasyong pera .

Ang babala ay inilabas ng kalihim kasunod ng pagkakadiskubre ng isa sa mga fake accounts na may profile name na “DSWD PH” na may official social media logo ng DSWD Field Office sa Central Luzon.


Paglilinaw pa ni Secretary Orogo, ang tanging ginagamit ng departmento ay ang official Facebook account nito na www.facebook.com/dswdserves/ at isang twitter page sa ilalim ng account name na @dswdserves.

Makikita din ang mga official pages ng mga kaakibat na DSWD FOs at attached agencies ng ahensiya sa “Pages liked by this page” .

Noong nakalipas na Hunyo, una na ring naglabas ng babala sa publiko ang DSWD laban sa fake social media accounts and pages na nagsusulong ng illegal adoption ng mga kabataan.

Facebook Comments