Manila, Philippines – Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong insect repellant.
Nabatid na hindi rehistrado sa FDA ang produkto na oryspa citrepel oil.
Sa ginawang FDA post-marketing surveillance activities, natuklasan na ang nabanggit na household/urban pesticide products ay hindi dumaan sa proseso ng ahensya at hindi naisyuhan ng proper marketing authorization.
Ang nasabing produkto ay nakakapinsala, nakakalason at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao at hayop.
Pinaalalahanan ang lahat na bumili lamang ng household/urban pesticide products mula sa mga kilalang tindahan o dealers.
Facebook Comments