BABALA | Korean Company na hindi ligtas sa mga manggagawa, binalaan ng DOLE

Manila, Philippines – Binalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Hanjin Heavy Industries Corporation Philippines na hindi sila maaaring makapagpatuloy ng operasyon habang hindi sinusunod ang mga panuntunan sa ligtas na pagtatrabaho.

Matatandaang nagpalabas ng work stoppage order ang DOLE sa Hanjin matapos na madisgrasya ang ilang tauhan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo katao at pagkasugat ng iba pa.

Kaugnay nito ay inatasan ng DOLE ang Hanjin na isumite ang mga sumusunod na dokumento gaya ng


Employer’s Accident-Illness Report, Accident Illness Report na kalakip ang mga larawan ng aksidente, Medical Report/Abstract/Certificate ng mga biktima at ang katunayan na nabigyan ng tulong pinansiyal ang mga pamilya ng mga namatayan at iba pang sugatan sa insidente.

Maliban sa mga nasabing papeles, inatasan din ang Hanjin na isumite ang patunay na inire-remit ang kontribusyon ng kanilang mga manggagawa sa SSS, PhilHealth, PagIBIG coverage, katunayan na pinasusuweldo ang mga biktima habang sila ay nagpapagaling, employees’ safety orientations , ang nirebisang proseso sa pagtratrabaho sa lahat ng lugar ng operasyon nito, at employment records para sa ECC claims/SSS Death claim ng pamilya ni Ferdinand Leuterio.

Ayon sa DOLE, matatanggal lamang ang work stoppage order sa sandaling maisumite na ng Hanjin ang mga nasabing dokumento at nassunod ang itinatakda ng batas sa paggawa.

Facebook Comments