PUTOK BATOK | Giant chicharon, patok na menu sa isang RestroPub sa England

46

England – Isang self-described “RestroPub” ang naghahain ng giant pork scratching o mas kilala sa tawag na Chicharon!

Kwento ni Adam Benneth, Head Chef sa The Cross sa Kenilworth, England. Naisipan niyang gumawa ng giant chicharon dahil gusto niyang pagsamahin ang dalawang bagay na nagpapasaya sa kanyang ang fine dining at ang traditional pub trade kung saan paboritong pulutan ang chicharon.

At dahil sa sobrang laki nito, hindi na sa plato kundi sa tray na ito inilalagay kasama ang iba’t-ibang uri ng sawsawan.

Nagkakahalaga ng 8 pounds o katumbas ng 566 pesos ang kada serving ng giant chicharon.

Facebook Comments