BABALA | LTFRB, nagbabala sa mga jeepney driver na nag-o-overcharge

Manila, Philippines – Binalaan ng LTFRB ang mga driver ng pampublikong sasakyan na naniningil ng sobrang pamasahe.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada ilang reklamo na ang natanggap nila tungkol sa mga tsuper na nag-o-overcharge at karamihan ay may mga biyaheng Fairview-Cubao.

Kahapon, nag-undercover pa si Lizada bilang pasahero ng jeep pero wala naman siyang naranasang overcharging.


Gayunman, patuloy aniya ang gagawin nilang inspeksyon para masigurong nakakasunod ang mga tsuper.

Bukod sa multa, suspensyon ng prangkisa ang posibleng kaharapin ng mga violator.

Facebook Comments