BABALA | Mga motorista, binalaan laban sa lalaking nagbubukas ng pintuan ng mga kotse sa EDSA

Nagbabala ngayon ang mga awtoridad sa mga motorista na laging siguraduhing naka-lock ang kanilang sasakyan.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang isang video ng isang lalaki na pilit na binubuksan ang pintuan ng mga kotse sa kasagsagan ng traffic sa Aurora Boulevard corner J.P Rizal Street, Cubao, Quezon City.

Makikita sa video ang paglapit ng isang lalaki sa mga nakahintong sasakyan at tinatangkang buksan ang mga ito.


Sa huling kotse na nilapitan nito, habang pilit na binubuksan ay kinatok pa ng lalaki ang salamin ng sasakyan.

Mabuti na lamang, naka-lock ang pintuan ng mga kotseng pinagtangkaang buksan ng lalaki.

Sa ngayon, ang video ay mayroong mahigit 12,000 shares at mahigit 5,000 comments.

Facebook Comments