CONFIRMED | Jenine Desiderio, kinumpirma ang pananakit kay Janella Salvador ng boyfriend na si Elmo Magalona

Manila, Philippines – Binasag na ng aktres na si Jenine Desiderio ang pananahimik nito kaugnay sa pananakit umano ni Elmo Magalona na boyfriend ng kanyang anak na si Janella Salvador.

Base sa tweet ni Jenine, itinulak umano ni Elmo si Janine palabas ng van at nalaglag.

Iginiit din nito na tila nababaliktad pa sila ngayon at sila pa ang masama.


Una nang ng post si Janella ng isang mensahe patungkol sa pananakit ng isang lalaki sa isang babae tuwing nakakainom ito.

Nakita rin kamakailan na may pasa sa braso si Janella.

Wala pa naman tugon dito ang kampo ni Elmo.

Facebook Comments