BABALA | Mga opisyal ng DENR sa region 9, binalasa

41

Manila, Philippines – Binalasa ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga opisyal ng DENR-Region 9 bilang babala laban sa mga tauhan na sangkot sa illegal na aktibidad at kumakanlong sa mga lumalabag sa Integrated Forest Management Agreement.

Si Carlito Tuballa ay itinalagang Region 9 OIC director at si Dr. Salahudin Caing bilang hepe ng DENR Zamboanga del Norte Provincial Environment and Natural Resources Office

Si Regional director Felix Mirasol, ay inilipat sa Region 10 bilang assistant director. Si Zamboanga del Norte OIC PENRO Geoffrey S. Zayas ay naitalaga bilang hepe ng Community Environment and Natural Resources Office sa Liloy.

Nauna rito, isinisi sa walang habas na pamumutol ng troso ang nangyaring mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa Zamboanga Peninsula noong nanalasa ang bagyong Vinta.

Ipinabubusisi na rin ni Cimatu ang may 104 IFMA at nangakong kakanselahin ang mga may paglabag at kakasuhan ang sangkot.

Facebook Comments