Nagpaalala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga pulis na huwag magpaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay NCRPO Director Guiellermo Eleazar, hindi siya mangingiming tanggalin sa serbisyo at kasuhan ang lalabag sa nasabing kautusan.
Kasabay nito, binalaan rin ni Eleazar ang mga district commander sa Metro Manila na mananagot ang mga ito oras na magkaroon ng indiscriminate firing sa kanilang nasasakupan, hindi naimbestigahan at hindi nakasuhan ang sinumang sangkot sa pagpapaputok ng baril.
Tiniyak naman ni Eleazar na magpapakalat sila ng sapat na tauhan sa mga lugar na madalas ay naitatala ang indiscriminate firing tuwing pagsalubong ng Bagong Taon.
Facebook Comments