JAPAN EXPLOSION | Embahada ng Pilipinas sa Japan, tiniyak na walang Pinoy casualties sa Sapporo, Japan

Sapporo, Japan – Tiniyak ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel na walang Pilipino sa mahigit 40 nasugatan sa pagsabog sa isang restaurant sa Sapporo, Japan.

Ayon kay Laurel, nagpadala na siya ng sulat kay Hokkaido Governor Harumi Takahashi at ipinaabot ang pakiki-simpatiya sa mga naapektuhan ng pagsabong sa naturang restaurant.

Una nang lumutang ang posibilidad na gas leak daw ang pinag-ugatan ng naturang insidente.


Base pa sa mga reports, sumiklab ang isang sunog sa nasabing lugar na nagbunga ng pagguho ng isang kalapit na gusali.

Facebook Comments