Babala ng Amerika laban sa Chinese Telco na Huawei, sisiyasatin ng PNP

Iniimbestigahan na ng Pambasang Pulisya ang alegasyon laban sa kumpaniyang Huawei na ginagamit umano ng China para kumuha o maniktik ng impormasyon sa ibang bansa.

 

Kasundo ito ng inilabas na babala ng Estado Unidos sa Pilipinas na maghinay-hinay sa pakikipag-ugnayan sa nasabing kumpaniya dahil hindi umano ito mapagkakatiwalaan.

 

Ayon kay PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, kaniya nang inatasan ang Directorate for Investigation and Detection Management Office o DIDM para imbestigahan ang nasabing impormasyon.


 

Magugunitang Huawei ang naging sponsor ng PNP nang magkasa ito ng Anti Cybercrime Summit, subalit paglilinaw ni Albayalde sa publiko, wala naman silang pinirmahang kontrata rito kaya’t wala silang dapat ipagalala o ipangamba.

Facebook Comments