Babala ng UN Secretary General, patunay ng pangangailangan na maipatupad ang Anti-Terrorism Law

Sang-ayon si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa babala ng United Nations Secretary General na maaaring makahanap ng oportunidad para umatake ang extremist at terrorist groups sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Giit ni Lacson, ang babalang ito ng UN Chief ay patunay ng pangangailangan na maipatupad ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Umaasa ang senador na mauunawaan ng mga kritiko ng Anti-Terrorism Law na humahanap lang ng timing o pagkakataon ang mga teroristang grupo para umatake.


Aniya, siguradong anumang oras ay gagalaw ang mga terror group para tuparin ang intensyon at layunin na magdulot ng matinding pinsala, magsagawa ng karahasan at maghasik ng takot sa mamamayan.

Hindi na rin natin dapat hayaan na maging kanlungan tayo ng mga terorista sa Asya.

Ipinaalala pa ni Lacson ang napakasakit at napakagastos na sinapit ng Marawi City sa kamay ng mga terorista na hindi na dapat maulit pa.

Facebook Comments