Pinayuhan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang Telecommunication companies o Telcos na paghusayin ang serbisyo at seryosohin ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-take over sa kanila ng gobyerno kapag hindi sila umayos hanggang sa katapusan ng taon.
Ipinaliwanag ni Sotto na ang Telcos ay itinuturing na public utility kaya sa pamamagitan ng bagong batas ay pwedeng patanggalan ng prangkisa ang mga ito para mai-take over ng gobyerno.
Giit ni Sotto, nakakadismaya ang serbisyo ng Telcos lalo na ngayong may pandemya kung saan higit na kailangan ang cellular at internet service sa trabaho at sa pag-aaral.
Naniniwala rin si Sotto na ang nasabing banta ng Pangulo ay hindi magdudulot ng takot sa mga mamumuhunan dahil ito ay nakatuon lamang sa kasalukuyang mga Telco sa bansa.