BABALA | Pagkalat ng pekeng Dengvaxia cards, ibinabala ng isang kongresista

Manila, Philippines – Nagbabala si House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles tungkol sa pagkalat ng pekeng Dengvaxia cards na tulong sana para sa mga lehitimong nabakunahan ng Dengvaxia.

Ang Dengvaxia cards ay ipinamahagi ng DOH nitong Enero sa mga estudyanteng naturukan ng Dengvaxia at ito ay ginagamit para sa pag-monitor ng kalusugan ng mga vaccines at magagamit din para sa pagpapa-ospital at sa gamutan ng Dengvaxia patient.

Pero, nababahala si Nograles na ito ay napepeke na ngayon at maaari itong magpalala sa sitwasyon ng mga tunay na vaccines.


Dahil dito, pinakikilos ng kongresista si Health Secretary Francisco Duque III na maglagay ng safeguards sa verification ng Dengvaxia Cards at pinatutukoy ang mga pekeng Dengvaxia Cards.

Pinagagawa din ang DOH ng database para ma-verify kung talagang totoong vaccinees ang humihingi ng tulong sa gobyerno.

Facebook Comments