BABALA | Pangulong Duterte, binalaan ang mining industry na patuloy sinisira ang kalikasan

Manila, Philippines – Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga minero na magpatupad ng pagbabago at pagbutihin ang kanilang mga operasyon sa negosyo.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), binigyang-babala ni Duterte ang industriya para mapabuti ang kanilang operasyon habang ang gobyerno ay magpapataw ng mga bagong patakaran sa pagmimina.

Kasabay nito, hinikayat ni Duterte ang pamahalaan at mga Local Government Units (LGUs) na magsaliksik sa pangangalaga ng yamang mineral at sa biodiversity sa bansa.


Facebook Comments