BABALA | PCG nagbabala laban sa mga kolorum na sasakyang pandagat

Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga pasahero ng mga sasakyang pandagat na iwasan ang pagtangkilik sa mga “fly-by-night” o “colorum” na motor bangka sa darating na Kapaskuhan.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson E. Hermogino, mapanganib ang pagsakay sa mga kolorum na motor-bangka lalo na at hindi rehistrado, walang maipakitang sapat na dokumento at hindi sumusunod sa mga pamantayan na itinakda ng Maritime Industry Authority o MARINA sa panuntunan na pangkaligtasan, walang insurance para sa mga pasahero, walang life vests at mga life saving devices.

Dagdag pa ni Admiral Hermogino, sinasamantala ng may-ari at operator ng mga bangka ang pagdagsa ng pasahero sa iba’t ibang port at terminal sa mga probinsya lalo na sa mga pangunahing tourists spots kung saan hindi na natutugunan ng mga major shipping lines ang bilang ng mga dumadagsang pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.


Lagi aniyang handa ang Coast Guard Action Center at maaaring tawagan sa numerong 0917-724-3682 para sa mga katanungan at report ng publiko.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments