Christmas Party ng mga Senior Citizen, Masayang Ipinagdiwang!

Cauayan City, Isabela- Masayang ipinagdiwang kahapon ng mga senior citizen mula sa ika-anim na distrito ng lalawigan ng Isabela ang kanilang Christmas Party na ginanap sa F.L.Dy Coliseum ng lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Teo Lucas, ang presidente ng Office of Senior Citizens Affairs ng Cauayan City, napagkaisahan na dito sa lungsod isagawa ang kanilang Elderly Christmas party dahil sa dami ng mga dumalo na nasa mahigit 700 na senior citizen.

Nagpakita ng talento sa pagsasayaw, pagkanta at pagtugtog ang bawat munisipalidad bilang bahagi ng kanilang kalahating araw na selebrasyon.


Kaugnay nito ay nag-ikot at namasyal sa buong lungsod ng Cauayan ang mga senior citizens bilang parte na rin ng kanilang Christmas party.

Samantala, Una nang natapos ang christmas party ng 1st district ng Isabela na ginanap kamakailan sa bayan ng Tumauini habang sa 2nd District naman ay isinagawa sa bayan ng Gamu.

Ang pangatlong distrito naman ng Isabela ay hindi pa nagkaroon ng Christmas Party at ito ay maaring itakda sa mga susunod na araw bago sumapit ang pasko.

Facebook Comments