Manila, Philippines – Nagpaalala ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na panatilihing nasa maayos na kondisyon ang mga winning tickets.
Ito ay kasabay ng pagpalo sa isang bilyong piso ng jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.
Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan – kahit hindi man makuha ang buong anim na digit, maari pa ring makauwi ng consolation prize kapag nakuha ang tatlo hanggang sa limang combinations.
Para makuha ang premyo, kailangang magdala ng dalawang valid ID, at ipakita ang winning ticket sa prize claim section ng accounting and budget department ng PCSO headquarters sa Mandaluyong City.
Pagkatapos ng validation, ibibigay ng treasury department ang tseke kung saan nakalagay ang halaga ng napanalunan at ang pangalan ng nanalo.
Ang winner ay maari nang tumungo sa LandBank of the Phillippines para i-encash ang tseke o magbukas ng bank account para sa safekeeping.
Paalala ng PCSO sa mga mananalo na maging wais sa paggamit o paggastos ng premyo.
Ang Ultra Lotto jackpot ay may pataw na 20% tax sa ilalim ng TRAIN Law.