Manila, Philippines – Bukod sa mga pekeng gamot at beauty product pinag-iingat na rin ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at pagkonsumo sa ilang food product.
Kabilang rito ang:
– Coco fall in love with golden coin chocolate car jar
– Coco fashion ice cream fluorescent lollipop
– Coco duckling fluorescent lollipop cream flavor
– Coco fall in love with fruity gummy
– Coco fall in love with jelly beans mix flavors
Sa abiso ng FDA, hindi aprubado ng ahensya ang mga nabanggit na produkto at hindi ito dumaan sa tamang registration process.
Dahil dito, hindi nakakatiyak ang FDA sa kalidad ng food product at kung ligtas ba itong kainin.
Facebook Comments