BABALEWALAIN | NDFP, hindi susundin ang demand ni PRRD na magsumite ng draft ng peace agreement

Manila, Philippines – Hindi susundin ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang demand ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsumite sila ng draft ng peace agreement.

Ayon kay Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison, babalewalain ng NDFP ang utos ni Duterte dahil mayroon ng kanya-kanyang draft ng comprehensive agreements ukol sa ekonomiya at pulitika ang parehong peace panels.

May progress na din aniya ang dalawang panig para pag-isahin ang kanilang drafts ng peace deal kaya dapat lamang na huwag pansinin ang hinihingi ni Duterte.


Matatandaan na noong Huwebes, November 22, 2018, ay sinabi ng Pangulo na nais niyang magbigay ang rebeldeng grupo ng bersyon nito ng peace agreement na susuriin naman ng gobyerno.

Facebook Comments