Sports – Babawiin na ng Ultimate Fighting Championship ang lightweight title ni Conor McGregor!
Ayon kay UFC president Dana White, hanggang ngayon kasi hindi pa rin bumabalik sa octagon si McGregor para idepensa ang kaniyang korona.
Sabi pa ni White milyones kasi ang kinita ni McGregor sa kaniyang laban sa ring kontra kay Floyd Mayweather kaya hindi na ito ganun ka intresado na muli pang makipagbasagan ng mukha ang tinaguriang notorious MMA.
Pero agad sumagot si McGregor sa banta ni White at sinabi nitong muling siyang babalik sa Octagon sa lalong madaling panahon.
Sa katunayan nagboluntaryo pa nga raw ang Irishman na lumaban sa UFC 222 pero tinanggihan siya umano nina White.
Facebook Comments