TAKOT | Kerwin Espinosa, hindi sumipot sa paglilitis ng korte

Manila, Philippines – Hindi nakadalo sa pagdinig ng husgado kaninang umaga ang tinuturing na drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.

Sa halip, isang liham ang pinadala ng akusado kay Judge Silvino Pampilo ng Manila Regional Trial Court Branch 26, ang lumilitis sa kaso ng bawal na droga na kinsasangkutan ni Espinosa.

Ayon kay Judge Pampilo , nakasaad sa liham ang takot sa panig ng akusado kasunod ng pagpaslang sa kanyang abogado na si Atty. John Jonah Ungab, ang Bise Alkalde ng Ronda, Cebu.


Maghahanap din aniya ng abogado si Espinosa upang magrepresenta sa kanya sa kinakaharap na kasong pagpapakalat ng illegal drugs.

Tiniyak din aniya ni Espinosa na sa susunod na pagdinig sa Biyernes, siya ay dadalo at sisikapin na rin na makakuha ng abogado.

Facebook Comments