BABALIK NA | Pinay OFW na naharap noon sa death row sa UAE, uuwi na ng bansa

Uuwi na ng bansa si Jennifer Dalquez, ang Pinay OFW na naharap noon sa death row matapos ang apat na taon na pagkakapiit sa sa United Arab Emirates (UAE).

Batay sa statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahan ngayong gabi ang pag-uwi ni Dalquez sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to UAE Abu Dhabi Hjayceelyn Quintana, nakipag-ugnayan na ang UAE authorities sa embahada ng Pilipinas para sa paguwi ng Pinay OFW.


Hindi na humingi ang UAE ng diyah o blood money kapalit ng kalayaan ni Dalquez.

si dalquez ay inalis sa death row noong 2017 kaugnay sa kaso ng pagpatay sa kanyang employer na nagtangkang manggahasa sa kanya noong 2014.

Na-acquit si Dalquez matapos na mabigo ang anak ng amo ng OFW na mangako sa korte sa ngalan ni Allah na pinatay ng Pinay ang kanyang mga magulang.

Facebook Comments