BABALIKTARIN | Pagbasura ng Valenzuela RTC sa kaso ng mga sangkot sa nakalusot na 6.4-billion shabu shipment, i-aakyat ng DOJ sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Plano ni Justice Sec. Menardo Guevarra na baliktarin ang desisyon ng Valenzuela City Regional Trial Court na ibasura ang kaso laban sa mga nasasangkot sa 2017 smuggling ng 6.4 billion pesos na halaga ng ilegal na droga.

Ayon kay Guevarra – tutol sila sa naging desisyon ng korte kung saan ang prosekyusyon ay nagkasala lamang ng forum shopping.

Posible aniyang i-akyat nila ito sa mataas na hukuman.


Nabatid na pinaboran ni Valenzuela Rtc Branch 284 Presiding Judge Arthur Melicor ang mosyon nina Customs Fixer Mark Taguba, negosyanteng si Richard Chen at Teejay Marcellana na i-dismiss ang kanilang kinakaharap na drug case.

Bukod sa tatlo, kabilang din sa defendants ng kaso ay sina Manny Li, Kenneth Dong, Eirene Mae Tatad, Chen I-Min, Jhu Ming Jhun at Chen Rong Huan.

Facebook Comments