BABANTAYAN | Pagsusulong sa federalism, tututukan ni Senator koko Pimentel

Manila, Philippines – Isa ang pagsusulong sa federalism sa tututukan ni Senator Koko Pimentel kasunod ng pagbibitiw niya bilang Pangulo ng Senado na nagbigay daan sa liderato ni Senator Tito Sotto III.

Ayon kay Pimentel, lilibot sya sa buong Pilipinas para ihatid sa lahat ng mamamayang Pilipino ang mabuting idudulot ng hangarin ng Duterte administrasyon na baguhin ang porma ng gobyerno patungong federalism.

Paliwanag ni Pimentel, ang federalism ay hindi lang abokasiya ng pinamumunuan niyang PDP laban.


Diin ni Pimentel, ang federalism ay personal niyang isinusulong para sa kapakinabangan ng buong bansa.

Maliban pa aniya sa bahagi din ito ng plataporma ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kampanya.

Kasabay nito ay aasikasuhin din ni Pimentel ang PDP laban para sa 2019 election bukod sa sariling preprasyon bilang re-eleksyunista.

Nakatakdang ding ikasal muli si Pimentel, sa darating na buwan ng Oktubre matapos ang pahahain ng Certificate of Candidacy.

Facebook Comments