BABAWASAN | DOLE, target mabawasan ang kaso ng child labor sa bansa

Manila, Philippines – Target ng Dept. of Labor And Employment (DOLE) na mabawasan ang kaso ng child labor sa bansa sa higit 600,000 pagdating ng 2022.

Base sa datos ng Phil. Statistics Authority (PSA), nasa dalawang milyong bata ang maagang namulat sa pagtatrabaho.

Ayon kay Labor Usec., Joel Maglungsod – layunin din ng gobyerno na tuluyang maalis ang child labor practice sa bansa pagdating ng 2025.


Binigyang diin din ni maglungsod ang responsibilidad ng mga nakatatanda na suportahan ang mga batas sa pagpursige ng kanilang mga pangarap.

Sa ngayon, nagsasagawa na ang dole ng profiling ng child laborers sa bansa.

Facebook Comments