BABAWIIN | Klase ng mga estudyante sa Albay, palalawigin dahil sa epekto ng bulkang Mayon

Albay – Hindi pa makapagbabakasyon ang mga mag-aaral sa Albay.

Palalawigin kasi ang klase ng mga mag-aaral para sa school year ‎2017-2018
dahil sa epekto ng pag-alburoto ng bulkang Mayon.

Sabi ni Department of Education Usec. Jess Mateo, posibleng isang linggong
maantala ang pagtatapos ng klase sa mga paaralang naapektuhan ng pagputok
ng bulkan.


Matatandaang ilang linggong sinuspinde ang mga klase dahil sa naturang
kalamidad.

Dagdag pa ni Mateo, lilinisin pa ang ilang paaralan na ginamit bilang mga
evacuation center.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments