Naglabas na ng notice of repatriation ang South Korea para maibalik sa kanilang bansa ang tone-toneladang basurang na nasabat ng Bureau of Customs sa Mindanao International Container Terminal.
Ayon sa embahada ng South Korea, nag-iimbestiga na ang kanilang ministry of environment, foreign affairs at Korea customs service hinggil sa kumpaniyang nagpadala ng mga basura.
Oktubre 21 nang dumating sa bansa ang 51 container galing South Korea na idineklarang naglalaman plastic synthetic plates.
Pero napag-alaman na naglalaman pala ito ng mga hazardous waste tulad ng lumang baterya, mga gamit na diaper at mga dextrose.
Nabatid na pineke ang mga dokumento para mai-export ang mga basura.
Titiyakin naman ng South Korea na hindi na mauulit na mapunta sa ibang bansa ang kanilang basura.