Baboy mula sa Bulacan at Rizal kumpirmadong apektado na ng African Swine, Flu, Pagpasok nito sa Pangasinan tuluyang ipinagbawal

Tuluyang ipinagbawal ang pagpasok ng mga baboy mula Rizal at Bulacan dahil na din sa kumpirmadong tinamaan ito ng African Swine Flu na dahilan ng pagkamatay ng mga baboy sa naturang lugar.
Siniguro naman Provincial Veterinary Office na ang lalawigan ng Pangasinan nananatiling walang banta ng African Swine Flu.
Ayon kay Dr. Jovito Tabarejos, assistant provincial veterinarian, ito umano ay dahil sa mas pinaigting na monitoring ng mga piggery at backyard industry sa lalawigan.
Sa pinagsanib na pwersa ng Office of the Provincial Veterinary (OPVet) at Pangasinan Police ay hinaharang ang mga truck na naglalaman ng buhay o mga kinatay na baboy maliban nalang kung makapagpresenta sila ng Veterinary Health Certificate at Veterinary Shipping Permit maliban ng galing sa Rizal at Bulacan ay hindi na ito pinapapasok sa lalawigan.
Samantala ang mga processed meat ay dapat may Meat Inspection Certificate galing sa NMIS.
Ito umano ay para maiwasang mahaluan ng mga karneng may swine flu.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ding ang isinasagawang quarantine checkpoints monitored ng OPVet at PPO sa Bayambang, Mangatarem, Infanta, Rosales, Sison, San Fabian at Umingan. Idinagdag na din ang sa TPLEx Urdaneta at TPLEx Pozorrubio ng pwersa ng Pang PPO.

Facebook Comments