Patok ngayon sa publiko ang bagong filter ng social media app na Snapchat.
Nitong Linggo, inilunsad nila ang baby filter na kung saan possible na mukhang bata ang iyong larawan. Karamihan sa mga netizens, nag-eksperimento na gamitin ito.
Maging ang mga tumatakbong senador, hindi nakaligtas sa bagong pakulo ng Snapchat. Ibinihagi ni Facebook user Nonoy Arendain ang kanyang album na may pinamagatang “Senatoriables Kids”. Tinatanong niya ang readers kung sino sa palagay nila ang pinakacute na kalahok.
Bumenta sa madla ang ‘kiddie edition picture’ nina Bong Revilla, Larry Gadon, Bato dela Rosa at Grace Poe. Komento ng ibang netizens, maihahantulad ang mga nabanggit na pulitiko mga kaklase nilang muse, matalino, ayaw magpakopya, paborito ng titser, at mahilig magbully. Umabot na sa 140,000 shares at 21,000 likes ang album.
Para sa isang eksperto, delikado sa mga bata ang ‘baby filter’ ng Snapchat. Ayon kay dating Child Counselor Nicoke Whittaker, malaki ang posibilidad na gamitin sa kasamaan ang mga larawang kumakalat ngayon sa social media.
“I’m all for a laugh, all for funny filters, but I draw the line at something like this. “I’m worried pedophiles will use it to imitate child porn. It’s so dangerous and it’s so easily done. The filter angered me more than anything else given the craziness that is out there.”, pahayag ni Whittaker sa Metro UK website.
Siniguro naman ng Snapchat ang kaligtasan ng kanilang mga users at mariing ipinagbabawal ang malalaswang bagay na kasasangkutan ng mga menor de edad.