#SalamatChel, nagtrending sa Twitter

359
Courtesy Twitter/Wynona Galvez

Bumuhos sa social media ang pasasalamat sa human rights lawyer, Otso Diretso senatorial candidate, Jose Manuel “Chel” Diokno, na sa oras na ito ay nasa ika-21 sa bilangan.

Kagabi, nag top trending sa Twitter ang #SalamatChel–dala ang mga tweet ng pagkadismaya, pasasalamat at pag-asa umanong mailuklok sa posisyon ang tinaguriang “Woke Lolo” sa susunod na halalan.


May mga nagpahayag din ng patuloy na suporta sa adbokasiya ni Diokno.

“Nakikita ko ‘yong mga tweet. ‘Wag kayong mag-sorry. There’s no need to be sorry for anything. We did our best and we did well,” ani Diokno sa isang meeting kagabi, kung saan pinasalamatan niya ang kanyang mga staff at taga-suporta.

Facebook Comments