Manila, Philippines – Pinakansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang backchannel talks sa National Democratic Front kasunod ng pag-atake ng New People’s Army sa Presidential Security Group convoy sa Arakan, Cotabato kahapon.
Una nang sinabi ng pangulon na tuloy pa din ang extortion at pag-atake ng npa sa kabila ng peace talks.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, isasagawa sana ang back-channel talks sa NDF sa Europe sa July 21 hanggang 22 pero hindi na muna ito matutuloy.
Mahalaga aniya ang tunay na sitwasyon sa ground para sana sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan na mistulang nanatiling mailap sa ngayon dahil sa mga pag-atake ng NPA.
Facebook Comments