“Back-riding” sa motorsiklo, mahirap ipatupad sa mga lugar na nakasailalim sa GCQ

Mahirap pang payagan ang “back-riding” sa mga motorcycle sa mga lugar na isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).

Matatandaang iminungkahi ni Ako Bicol Representative Alfredo Garbin Jr. na payagan ang angkas sa motorsiklo lalo na kung nakatira naman sila sa iisang bahay.

Pero ayon kay Transportation Asec. Goddes Libiran, hindi kakayanin ng mga traffic enforcers na mano-mano at isa-isang i-check ang mga naka-motor para lang mapatunayan na kasama talaga nila sa iisang bahay ang kanilang angkas.


Mahirap din aniyang matukoy kung habal-habal o nagpapanggap lang na mag-asawa o magkasama sa bahay ang mga naka-motorsiklo.

Binigyang-diin din ni Libiran ang kalahalagahan ng pagkakaroon ng uniformity sa pagpapatupad ng mga polisiya ng gobyerno.

Sa ngayon, dapat aniyang manaig ang mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF), Department of Transportation (DOTr) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments