Back-to-back job fair sa ilang lungsod sa Southern Metro Manila, ikinakasa ngayong araw

Dalawang magkasunod na job fair ang isasagawa o isinasagawa sa lungsod ng Taguig at Makati.

Alas-8:00 ng umaga ng simulan ang Mega Job Fair sa Vista Mall sa pangunguna ng Public Employment Service Office ng lokal na pamahalaan ng Taguig.

Ito’y para sa mga residente nila na nawalan o naghahanap ng trabaho matapos ma-endo nitong nakaarang buwan.


Alas-9:00 ng umaga naman ikakasa ang Mega Job Fair for Women’s Month ng Makati Public Employment Service Office (PESO).

Gaganapin ito sa Makati City Hall Quadrangle mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang mga aplikante ay kinakailangan muna magpa-rehistro sa link o i-scan ang QR Code na makikita sa My Makati Facebook page saka ito i-screen shot at ipakita sa entrance ng venue.

Pinapayuhan ang mga aplikante ma magdala ng updated resume, ballpen, magsuot ng facemask at magsuot din ng naaangkop na kasuotan.

Facebook Comments