TOP 1 MOST WANTED PERSON SA BINMALEY, ARESTADO NA

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang number 1 most wanted person sa bayan ng Binmaley.
Ang akusado ay nakilalang si Jomar Cabrera isang magsasaka at residente ng brgy sa Isidro Norte sa nasabing bayan.
Nahaharap ito sa kasong statutory rape kung saan ay walang piyansa para sa kaso nito.

Naaresto ang akusado sa brgy Poblacion pasado ala-una ng hapon kung saan ay nasa kustodiya na ito ng PNP Binmaley para sa tamang disposisyon. |ifmnews
Facebook Comments