MANILA – Naniniwala si Presidential adviser on the peace process Sec. Jesus Dureza na may pag-asa pa para sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democractic Front of the Philippines.Ayon kay Dureza, isasangguni niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng backdoor negotiation sa pagitan ng gobyerno at NDFP.Pero sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Col. Edgard Arevalo, tiwala silang matatalo na nila ang komunistang grupo kasunod ng pagbawi ng pangulo sa ceasefire ng pamahalaan sa Communist Part of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).Nabatid na mula noong February 1, siyam na rebelde na ang sumuko sa militar mula sa tinatayang 3,700 ang rebeldeng komunista.
Facebook Comments