Inaasahang maisasaayos na ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa loob ng tatlong araw ang backlogs sa paglalabas ng mga resulta ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, oras na maayos ito asahan na ang mabilis na paglalabas ng resulta ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Sa ngayon kasi ay inaabot ng lima hanggang pitong araw bago lumabas ang resulta ng COVID-19 test.
Giit din ni Vergeire, ang mga subnational laboratories ay kailangan din sumunod sa operational na 24 to 48 hour standard turnaround time.
Samantala, bumili ng dalawang laboratory machine ang Philippine Red Cross na kayang makapagtest ng 3,000 specimen para sa COVID-19 sa loob ng isang araw.
Paliwanag ni PRC Chairma at Sen. Richard Gordon na sa loob lang ng tatlong oras ay malalaman na ang resulta.