BACKRIDER, NASAWI MATAPOS SUMALPOK SA CLOSED VAN SA SAN MANUEL, ISABELA

CAUAYAN CITY- Binawian ng buhay ang isang angkas ng motorsiklo matapos bumangga sa van ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. District 1, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Julius Calinda, 22-anyos, habang ang drayber ng motorsiklo ay si Jayvie Estrada pawang mga residente ng Purok 3 Brgy. Santiago, Quirino, Isabela, habang ang closed van na nakasalpukan ng mga ito ay si Francisco Manuit Jr., 36-anyos, residente ng Brgy. Tanggal, Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa PNP San Manuel, binabaybay ng dalawang behikulo ang magkasalungat na direksyon nang biglang pumasok sa linya ng closed van ang motorsiklo.
Sinubukan pang iwasang ng van ang motorsiklo subalit nagpang-abot pa rin ang mga ito.


Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng malalang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang sakay ng motorsiklo na naging dahilan ng pagkasawi ng biktimang si Calinda, habang hindi naman nasaktan ang dalawang sakay ng closed van.

Facebook Comments