Backstreet Boys, ni-reimagine ang ‘I Want It That Way’ sa ika-20 na anibersayo ng ‘Millennium’

Image via Backstreet Boys @backstreetboys official on Instagram

Sa ika-20 taong anibersayo ng ‘Millennium’ ng Backstreet Boys, ginawan nila ng acoustic version ang kanilang biggest hit single na ‘I Want It That Way’ bilang regalo sa mga fans.

Ang ‘Millennium’ ay ang ikatlong international album ng Backstreet Boys na inilabas noong Mayo 1999.

Nitong nakaraang taon, pinangalanan din ang ‘I Want It That Way’ ng Billboard na ‘greatest-boy band song of all-time’.


Nauna na ring ipinagdiwang ng Backstreet Boys ngayong taon ang kanilang ika-26 na anibersayo bilang boy band.

Kasama ang Manila sa isa sa mga destinasyon ng kanilang DNA World Tour at kamakailan ay nauna nang nag-concert sila sa Portugal.

Magco-concert sa bansa ang Backstreet Boys sa darating na Oktubre 28, 2019.

Facebook Comments