Backyard farming, hindi na dapat pang gawin para malabanan ang African Swine Flu ayon kay PBBM

Hindi pabor si Pangulong Bongbong Marcos na magpatuloy pa ang ginagawa ng mga Pilipino na backyard farming.

Ang pahayag ay ginawa ng presidente sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno na maresolba ang problema sa African Swine Flu (ASF).

Ayon sa pangulo, kailangang magkaroon ng isolation at consolidation kapag nag-aalaga ng baboy para maiwasan ang nasabing sakit at hindi makasira sa pork industry.


Sinabi pa ng pangulo na maliban sa baboy, kailangan ding maikonsidera ang manok na hindi na sana maalagaan pa sa mga backyard.

Ito ay para makontrol naman ang biosecurity.

Ayon sa pangulo, marami pang plano ang pamahalaan patungkol sa agrikultura ngunit hindi pa maipatupad lahat dahil abala pa sila sa ilang mga usapin na may kinalaman sa pagpapababa ng presyo ng sibuyas, bigas, asukal, gulay, at iba pang pangunahing bilihin.

Facebook Comments