Bacolod City at Lanao Del Sur, inilagay sa MECQ hanggang September 30

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Bacolod City at ang probinsya ng Lanao del Sur kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ang rekomendasyon ay ginawa ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr.

Epektibo ang bagong quarantine classifications simula ngayong araw, September 8 hanggang sa katapusan ng buwan.


Bukod dito, ang Iligan City ay nasa ilalim din ng MECQ hanggang September 30.

Ang Metro Manila at mga probinsya ng Bulacan, Batangas at ang siyudad ng Tacloban ay nasa General Community Quarantine (GCQ).

Ang natitirang bahagi ng Pilipinas ay nasa mas maluwag na community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan.

Facebook Comments