Bacolod City Lone District Cong. Albee Benitez, parte na ng House Majority Bloc

Kinumpira ni Bacolod Lone District Congressman Albee Benitez na parte na siya ng Majority Bloc ng House of Representatives sa liderato ni Isabela 6th District Congressman Faustino “Bojie” Dy III.

Ito ay matapos ipahayag ni Cong. Benitez na suportado nito ang liderato ni House Speaker Dy dahil pareho umano ang kanilang mga paninindigan lalo na’t para maibalik ang nawalang tiwala ng tao sa kongreso dahil sa isyu ng korapsyon.

Nanawagan din ito sa publiko na bigyan ng panahon si Dy para mapatunayan ang mga pangako nito.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit nagbigay-daan siya dahil nakita niya na karamihan sa mga representative ang pabor kay Dy.

Maliban kay Benitez, suportado rin ng kanyang anak na si Negros Occidental 3rd District Cong. Javi Benitez ang bagong House Speaker at siyang nangasiwa rin sa panunumpa nito.

Facebook Comments